Ang pinakasimple at pinaka-secure na paraan para mag-sign in sa iyong Google Account
Mas madali at mas secure na alternatibo sa mga password ang mga passkey. Sa pamamagitan ng mga ito, makakapag-sign in ka gamit lang ang iyong fingerprint, scan ng mukha, o lock ng screen.
-
Simple
Nagbibigay ang mga passkey ng madali at simpleng experience na gumagamit ng lock ng device mo, tulad ng iyong fingerprint, mukha, pin, o pattern para mag-sign in sa Google Account mo.
-
Secure
Nagbibigay ang mga passkey ng pinakamalakas na proteksyon. Hindi mahuhulaan o magagamit ulit ang mga ito, na makakatulong para panatilihing secure ang iyong pribadong impormasyon laban sa mga attacker.
-
Pribado
Sino-store sa iyong personal na device at hindi kailanman ibinabahagi sa Google ang data ng biometrics mo, tulad ng scan ng fingerprint o mukha.
Walang kahirap-hirap
Mag-sign in sa iyong Google Account, i-set up ang passkey mo gamit ang iyong device, at handa ka na!